2 Nephi 2:3–4

Anupa’t ang iyong kaluluwa ay pagpapalain, at ikaw ay maninirahang ligtas kasama ng iyong kapatid na si Nephi; at ang iyong mga araw ay iuukol sa paglilingkod sa iyong Diyos. Kaya nga, alam ko na ikaw ay tinubos, dahil sa kabutihan ng iyong Manunubos; sapagkat namamasdan mo na sa kaganapan ng panahon siya ay paparito upang magdala ng kaligtasan sa tao. At namasdan mo sa iyong kabataan ang kanyang kaluwalhatian; kaya nga, ikaw ay pinagpalang katulad nila na kanyang paglilingkuran sa laman; [i]2265[/i]

From section: Pagbabasbas kay Jakob

From page: Ang Mga Propesiya at Payo ni Lehi sa Kanyang Pamilya

Commentary