At ngayon, ako, si Nephi, ay nangungusap hinggil sa mga propesiyang sinabi ng aking ama, hinggil kay Jose, na dinala sa Egipto. Sapagkat masdan, tunay na siya ay nagpropesiya hinggil sa lahat niyang binhi. At ang mga propesiyang kanyang isinulat, ay walang maraming makahihigit pa. At siya ay nagpropesiya hinggil sa atin, at sa ating mga susunod na salinlahi; at yaon ay nakasulat sa mga laminang tanso.