2 Nephi 4:3–9

Samakatwid, nang matapos sa pagsasalita ang aking ama hinggil sa mga propesiya ni Jose, tinawag niya ang mga anak ni Laman, [i]2272[/i] ang kanyang mga anak na lalaki, at ang kanyang mga anak na babae, at sinabi sa kanila:

Masdan, mga anak kong lalaki at babae, na mga anak na lalaki at babae ng aking panganay, nais ko na kayo ay makinig sa aking mga salita. Sapagkat winika ng Panginoong Diyos na:

‘Habang inyong sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay uunlad sa lupain; at habang hindi ninyo sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay itatakwil mula sa aking harapan.’

Datapwat masdan, mga anak kong lalaki at babae, hindi ako makabababa sa aking libingan hangga’t hindi ko naiiwan sa inyo ang aking pagbabasbas; sapagkat masdan, alam ko na kung kayo ay palalakihin sa landas na dapat ninyong tahakin, hindi kayo lalayo rito. Samakatwid, kung kayo ay masusumpa, masdan, iniiwan ko sa inyo ang aking pagbabasbas, upang ang sumpa ay maalis sa inyo at panagutan ng mga ulo ng inyong mga magulang. Anupa’t dahil sa aking pagbabasbas, hindi pahihintulutan ng Panginoong Diyos na kayo ay masawi; kaya nga, siya ay magiging maawain sa inyo at sa inyong mga binhi magpakailanman.

At ito ay nangyari na, nang matapos ang aking ama sa pagsasalita sa mga anak na lalaki at babae ni Laman, hiniling niyang ilapit sa harapan niya ang mga anak na lalaki at babae ni Lemuel. At nangusap siya sa kanila, sinasabing:

Masdan, mga anak kong lalaki at babae, na mga anak na lalaki at babae ng aking ikalawang anak na lalaki; masdan, iniiwan ko sa inyo ang katulad na pagbabasbas na iniwan ko sa mga anak na lalaki at babae ni Laman; anupa’t hindi kayo lubusang malilipol; kundi sa huli ang inyong mga binhi ay pagpapalain.

From section: Mga Huling Pagbabasbas

From page: Ang Mga Propesiya at Payo ni Lehi sa Kanyang Pamilya

Commentary