O, na kayo ay magising; magising mula sa mahimbing na pagkakatulog, oo, maging mula sa pagkakatulog ng impiyerno, at iwagwag ang mga kakila-kilabot na tanikala na sa inyo’y nakagapos, mga tanikalang gumagapos sa mga anak ng tao, na siyang nagdadala sa kanila sa pagkabihag doon sa walang hanggang look ng kalungkutan at kapighatian.
Gumising! At bumangon mula sa alabok,
_at makinig sa mga salita ng nanginginig na magulang, [i]2264[/i]
_na ang mga biyas ay tiyak na malapit na ninyong ihimlay
_sa malamig at tahimik na libingan,
_kung saan walang manlalakbay na makababalik;
_mga ilang araw na lamang at ako ay yayaon ng lakad ng buong lupa.Ngunit masdan,
_tinubos ng Panginoon ang aking kaluluwa mula sa impiyerno;At namasdan ko ang kanyang kaluwalhatian,
_at ako ay nayayakap magpakailanman
_ng mga bisig ng kanyang pagmamahal.