[Mosiah 7:18–33] Magalak at magtiwala sa Diyos.

Kaya nga, itaas ang inyong mga ulo, at magsaya, at ibigay ang inyong tiwala sa Diyos, sa yaong Diyos na Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob; at gayon din, yaong Diyos na naglabas sa mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, at pinapangyari na sila ay makalakad sa Dagat na Pula sa ibabaw ng tuyong lupa, at pinakain sila ng manna upang hindi sila mangasawi sa ilang; at marami pang bagay ang kanyang ginawa para sa kanila. At muli, ang yaon ding Diyos ang naglabas sa ating mga ama sa lupain ng Jerusalem, at nag-aruga at nangalaga sa kanyang mga tao maging hanggang sa ngayon; at masdan, dahil sa ating kasamaan at mga karumal-dumal na gawain kaya tayo ay dinala niya sa pagkaalipin.

From section: Pampublikong Komperensiya ni Limhi

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary