Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Pampublikong Komperensiya ni Limhi

Mosiah 7:17

Sa sumunod na araw, ipinatawag ni Limhi ang lahat ng kanyang mga nasasakupan na magtipon.

At ngayon, ito ay nangyari na, na kinabukasan si haring Limhi ay nagpadala ng pahayag sa lahat ng kanyang mga tao, nang sa gayon sama-samang matipon nila ang sarili sa templo, upang pakinggan ang mga salitang kanyang sasabihin sa kanila.

Mosiah 7:18–33

Si Limhi ay nakipagusap sa mga tao at tinulungan sila na maintindihan ang mga sanhi at epekto ng kanilang mga gawain, at pinayuhan sila na bumaling sa Panginoon at magtiwala sa kanya.

At ito ay nangyari na, nang sama-samang matipon nila ang sarili ay nangusap siya sa kanila sa ganitong pamamaraan, sinasabing:

Mosiah 8:1–3

Si Amon ay nagsalita sa mga tao, at sinabi sa kanila ang kasaysayan ng Zarahemla mula sa panahon na sila ay umalis.

At ito ay nangyari na, na matapos mangusap si haring Limhi sa kanyang mga tao, sapagkat marami siyang sinabi sa kanila at kaunti lamang sa mga yaon ang aking naisulat sa aklat na ito, sinabi niya sa kanyang mga tao ang lahat ng bagay hinggil sa kanilang mga kapatid na nasa lupain ng Zarahemla.

At pinapangyari niya na si Ammon ay tumayo sa harapan ng maraming tao, at ilahad sa kanila ang lahat ng nangyari sa kanilang mga kapatid mula sa panahong si Zenif ay umahon mula sa lupain maging hanggang sa panahong siya rin ay dumating sa lupain.

At inilahad din niya sa kanila ang mga huling salitang itinuro ni haring Benjamin sa kanila, at ipinaliwanag ang mga ito sa mga tao ni haring Limhi, nang sa gayon maunawaan nila ang lahat ng salitang kanyang sinabi.

Mosiah 8:4

Pinauwi ni Limhi ang mga tao.

At ito ay nangyari na, nang matapos niyang gawin ang lahat ng ito, na pinauwi ni haring Limhi ang maraming tao, at pinapangyari na ang bawat isa sa kanila ay magsibalik na sa kani-kanilang tahanan.