At ngayon, hindi ba ito mabigat dalhin? At hindi ba itong ating pagdurusa ay labis? Ngayon masdan, anong laking dahilan upang tayo ay magdalamhati. [i]2411[/i] Oo, sinasabi ko sa inyo, napakalaki ng mga dahilan upang tayo ay magdalamhati; sapagkat masdan kayrami na sa ating mga kapatid ang napatay, at ang kanilang dugo ay dumanak nang walang kabuluhan, at lahat ay dahil sa kasamaan.