At masdan, tayo sa panahong ito ay nagbabayad ng buwis sa hari ng mga Lamanita, hanggang sa kalahati ng ating mga mais, at ng ating cebada, at maging bawat uri ng lahat ng ating mga butil, at kalahati ng tubo ng ating mga kawan at bakahan; at maging kalahati ng lahat ng mayroon tayo o inaari ay sinisingil sa atin ng hari ng mga Lamanita, o ang ating mga buhay.