At isang propeta ng Panginoon ang kanilang pinatay; [i]2794[/i] oo, isang piniling tao ng Diyos, na nagsabi sa kanila ng kanilang mga kasamaan at karumal-dumal na gawain, at nagpropesiya ng maraming bagay na mangyayari, oo, maging ang pagparito ni Cristo. At dahil sa sinabi niya sa kanila na si Cristo ang Diyos, ang Ama ng lahat ng bagay, at sinabing mag-aanyong tao siya, at ito ang anyo kung saan inanyo ang tao sa simula; o sa ibang mga salita, sinabi niyang nilikha ang tao na kawangis ng Diyos, at na ang Diyos ay bababa sa mga anak ng tao, at magkakaroon siya ng laman at dugo, at hahayo sa balat ng lupa—