At ito ay nangyari na, na matapos mangusap si haring Limhi sa kanyang mga tao, sapagkat marami siyang sinabi sa kanila at kaunti lamang sa mga yaon ang aking naisulat sa aklat na ito, sinabi niya sa kanyang mga tao ang lahat ng bagay hinggil sa kanilang mga kapatid na nasa lupain ng Zarahemla.
At pinapangyari niya na si Ammon ay tumayo sa harapan ng maraming tao, at ilahad sa kanila ang lahat ng nangyari sa kanilang mga kapatid mula sa panahong si Zenif ay umahon mula sa lupain maging hanggang sa panahong siya rin ay dumating sa lupain.
At inilahad din niya sa kanila ang mga huling salitang itinuro ni haring Benjamin sa kanila, at ipinaliwanag ang mga ito sa mga tao ni haring Limhi, nang sa gayon maunawaan nila ang lahat ng salitang kanyang sinabi.