Ngayon sinabi ni Ammon sa kanya:
Ako ay tiyak na makapagsasabi sa inyo, O hari, [i]2416[/i] ng isang lalaking makapagsasalin ng mga talaan; sapagkat may kakayahan siya na tumingin, at magsalin ng lahat ng talaang sinauna; at kaloob ito mula sa Diyos.
At ang mga bagay na ito ay tinatawag na mga pansalin, at walang sinumang makatitingin dito maliban kung inutusan siya, at baka tingnan niya ang yaong hindi nararapat at masawi siya. At kung sinuman ang inutusang tumingin dito, siya rin ang tinatawag na tagakita.
At masdan, ang hari ng mga tao na nasa lupain ng Zarahemla ang taong inutusan upang gawin ang mga bagay na ito, at siyang may taglay nitong mataas na kaloob mula sa Diyos.