At ngayon, nang matapos si Ammon sa pangungusap ng mga salitang ito ay labis na nagsaya ang hari, at nagbigay-pasasalamat sa Diyos, sinasabing: [i]2483[/i]
Walang alinlangan na isang malaking hiwaga ang nilalaman ng mga laminang ito, at ang mga pansaling ito ay walang alinlangang inihanda para sa layunin ng paglalahad ng mga hiwagang ganito sa mga anak ng tao.
O kagila-gilalas ang mga gawa ng Panginoon, at gaano katagal niyang titiisin ang kanyang mga tao; oo, at napakabulag at di maarok ang mga pang-unawa ng mga anak ng tao; sapagkat ayaw nilang maghangad ng karunungan, ni hindi nila nais na mamuno siya sa kanila!
Oo, para silang mga ligaw na kawan na nagsisitakas mula sa pastol, at nagsikalat, at nataboy, at mga sinila ng mga halimaw ng kagubatan.
At ngayon, si Limhi ay muling napuspos ng kagalakan sa pagkakaalam mula sa bibig ni Ammon na si haring Mosias ay may isang kaloob mula sa Diyos, upang kanyang maipaliwanag ang gayong mga nakaukit; oo, at si Ammon ay nagsaya rin.