Mosiah 21:32–35

At ngayon, simula ng pagdating ni Ammon, si haring Limhi ay nakipagtipan din sa Diyos, [i]2795[/i] at gayon din ang marami sa kanyang mga tao, na paglilingkuran siya at susundin ang kanyang mga kautusan.

At ito ay nangyari na, na si haring Limhi at marami sa kanyang mga tao ay nagnais na mabinyagan; subalit walang sinuman sa lupain ang may karapatan mula sa Diyos. At si Ammon ay tumangging gawin ang bagay na ito, ipinalalagay ang kanyang sarili na isang hindi karapat-dapat na tagapaglingkod. Samakatwid, sa panahong yaon ay hindi pa nila binuo ang kanilang sarili sa isang simbahan, naghihintay sa Espiritu ng Panginoon.

Ngayon, sila ay nagnais na maging katulad ni Alma at ng kanyang mga kapatid, na nagsitakas patungo sa ilang. Sila ay nagnais na mabinyagan bilang saksi at bilang patotoo na sila ay nahahandang paglingkuran ang Diyos ng kanilang buong puso; gayon pa man, pinagpaliban nila ang panahon; at ang ulat ng kanilang binyag ay ibibigay pagkaraan nito.

From section: Pribadong Pagpupulong Ni Limhi kay Amon

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary