At ngayon, dahil sa malaking pagkapanalong ito, iniangat sila sa kapalaluan ng kanilang mga puso; nagmalaki sila sa sarili nilang lakas, sinasabi na ang kanilang limampu ay kayang labanan ang mga libu-libong Lamanita; at sa ganito sila nagmalaki, at nalugod sa dugo, at sa pagpapadanak ng dugo ng kanilang mga kapatid, at ito ay dahil sa kasamaan ng kanilang hari at mga saserdote.