Mosiah 11:20–25

At ito ay nangyari na, na may isang lalaki sa kanila na nagngangalang Abinadi; [i]2765[/i] [i]2436[/i] at humayo siya sa kanila, at nagsimulang magpropesiya, sinasabing: [i]1448[/i]

Masdan, ganito ang wika ng Panginoon, at sa ganito niya ako inutusan, sinasabing,

Humayo, at sabihin sa mga taong ito, ganito ang wika ng Panginoon—

‘Sa aba sa mga taong ito, sapagkat nakita ko ang kanilang mga karumal-dumal na gawain, at ang kanilang kasamaan, at ang kanilang mga pagpapatutot; at maliban kung magsisisi sila ay parurusahan ko sila sa aking galit. At maliban kung magsisisi sila at bumaling sa Panginoon nilang Diyos, masdan, ibibigay ko sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway; oo, at sila ay madadala sa pagkaalipin; at pahihirapan sila ng kamay ng kanilang mga kaaway. At ito ay mangyayari na makikilala nila na ako ang Panginoon nilang Diyos, at isang selosong Diyos, na nagpaparusa sa mga kasamaan ng aking mga tao.

At ito ay mangyayari na maliban kung magsisisi ang mga taong ito at bumaling sa Panginoon nilang Diyos, sila ay madadala sa pagkaalipin; at walang makapagpapalaya sa kanila, maliban sa Panginoon, ang Pinakamakapangyarihang Diyos. Oo, at ito ay mangyayari na kapag nagsumamo sila sa akin, magiging mabagal ako sa pagdinig ng kanilang mga pagsusumamo; oo, at pahihintulutan ko silang pahirapan ng kanilang mga kaaway. At maliban kung magsisisi sila na suot ang magaspang na damit at sa alabok, at magsusumamo nang taimtim sa Panginoon nilang Diyos, ay hindi ko diringgin ang kanilang mga panalangin, ni hindi ko sila hahanguin sa kanilang mga paghihirap;’

At gayon ang wika ng Panginoon, at sa gayon niya ako inutusan. [i]2766[/i]

From section: Ang Malapropesiyang Mensahe ni Abinadi

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary