At ito ay nangyari na, na nagalit sila sa kanya; at kanilang dinakip siya at dinala siyang nakagapos sa harapan ng hari, [i]1228[/i] at sinabi sa hari: [i]1450[/i]
Masdan, nagdala kami ng tao sa inyong harapan na nagpropesiya ng kapahamakan hinggil sa inyong mga tao, [i]2439[/i] at nagsabing lilipulin sila ng Diyos.
At nagpropesiya rin siya ng kapahamakan hinggil sa inyong buhay, at sinabi na ang inyong buhay ay matutulad sa isang kasuotan sa hurno ng apoy. At muli, sinabi niyang matutulad kayo sa isang tangkay, maging tulad ng tuyong tangkay sa bukirin, na dinadaanan ng mga hayop at yinayapakan sa ilalim ng paa.
At muli, sinabi niyang matutulad kayo sa mga bulaklak ng halamang matinik, na, kapag ganap na itong hinog, kung iihip ang hangin, ito ay matatangay sa ibabaw ng lupain. At nagkukunwari siya na ang Panginoon ang nagsabi nito. At sinabi niyang ang lahat ng ito ay sasapit sa inyo maliban kung magsisisi kayo, at ito ay dahil sa inyong mga kasamaan.
At ngayon, O hari, anong malaking kasamaan ang inyong nagawa, o anong malaking kasalanan ang nagawa ng inyong mga tao, na tayo ay susumpain ng Diyos o hahatulan ng taong ito? At ngayon, O hari, masdan, wala tayong kasalanan, at kayo, O hari, ay hindi nagkasala; anupa’t ang taong ito ay nagsinungaling hinggil sa inyo, at nagpropesiya siya ng walang kabuluhan.
At masdan, malalakas tayo, hindi tayo madadala sa pagkaalipin, o madadalang bihag ng ating mga kaaway; oo, at umunlad kayo sa lupain, at uunlad rin kayo. Masdan, naririto ang lalaki, ibinibigay namin siya sa inyong mga kamay; maaari ninyong gawin sa kanya kung ano ang ipinalalagay ninyong makabubuti.