Mosiah 13:2–11

At nagsitayo sila at nagtangkang hawakan siya ng kanilang mga kamay; subalit kanyang napaglabanan sila, [i]2443[/i] at sinabi sa kanila: [i]1453[/i]

Huwag ninyo akong salingin, sapagkat parurusahan kayo ng Diyos kung hahawakan ninyo ako, [i]2771[/i] sapagkat hindi ko pa naihahayag ang mensaheng ibinigay ng Panginoon sa akin na ipahayag; ni hindi ko pa nasasabi sa inyo ang yaong hinihiling ninyong sabihin ko; samakatwid, hindi ipahihintulot ng Diyos na ako ay mamatay sa oras na ito. Subalit kailangan kong tuparin ang mga kautusang iniutos ng Diyos sa akin; at dahil sa sinabi ko sa inyo ang katotohanan kayo ay nagagalit sa akin. At muli, dahil sa sinabi ko ang salita ng Diyos, hinatulan ninyo ako na ako ay baliw.

Ngayon ito ay nangyari na, na matapos sabihin ni Abinadi ang mga salitang ito na ang mga tao ni haring Noe ay hindi nagtangkang hawakan siya ng kanilang mga kamay, sapagkat nasa kanya ang Espiritu ng Panginoon; at ang kanyang mukha ay nagliwanag nang may di pangkaraniwang pagkinang, maging tulad kay Moises habang nasa bundok ng Sinai, habang nakikipag-usap sa Panginoon. At nangusap siya nang may kapangyarihan at karapatan mula sa Diyos; at ipinagpatuloy niya ang kanyang mga salita, sinasabing:

Nakikita ninyong wala kayong kapangyarihan na patayin ako, samakatwid, tatapusin ko ang aking mensahe. Oo, at nahihiwatigan kong tumatagos ito sa inyong mga puso dahil sa sinabi ko sa inyo ang katotohanan hinggil sa inyong mga kasamaan. Oo, at pinupuno kayo ng aking mga salita ng pagkamangha at panggigilalas, at ng galit. Subalit tatapusin ko ang aking mensahe; at pagkatapos hindi na mahalaga kung saan ako patutungo, kung mangyayari na ako ay maliligtas. Subalit ito lamang ang masasabi ko sa inyo, kung ano ang gagawin ninyo sa akin, pagkatapos nito, ay magiging halimbawa at anino ng mga bagay na darating.

From section: Ang Paghatol Kay Abinadi

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary