Mosiah 21:15–20, 22

At ito ay nangyari na, na nagsimula silang unti-unting umunlad sa lupain, at nagsimula silang magtanim ng higit na maraming butil, at mga kawan ng tupa, at mga baka, kung kaya’t hindi sila nagdusa ng gutom.

Ngayon may malaking bilang ang kababaihan, higit pa sa kalalakihan; kaya nga, nag-utos si haring Limhi na bawat lalaki ay nararapat magbahagi para sa panustos ng mga balo at kanilang mga anak, upang hindi sila mamatay sa gutom; at kanila itong ginawa dahil sa kalakihan ng bilang ng mga napatay.

Ngayon, ang mga tao ni Limhi ay nanatiling magkakasama sa iisang pangkat hangga’t maaari, at pinangalagaan ang kanilang mga butil at kanilang mga kawan; [i]2479[/i] At ang hari rin ay hindi nagtiwala sa kanyang sarili sa labas ng mga muog ng lunsod, maliban kung kasama niya ang kanyang mga bantay, nangangamba na baka sa alinmang kaparaanan ay mahulog siya sa mga kamay ng mga Lamanita.


At ito ay nangyari na, na wala nang kaguluhang namagitan sa mga Lamanita at sa mga tao ni Limhi, maging hanggang sa panahong si Ammon at ang kanyang mga kapatid ay dumating sa lupain.

From section: Suliranin at Pagsubok sa Mga Tao ni Limhi

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary