Mosiah 7:12–13

At ngayon, nang matanto ni Ammon na siya ay pinahihintulutang makapagsalita, lumapit siya at yumukod sa harapan ng hari; at nang muling tumayo ay sinabi niya: [i]1472[/i]

O hari, labis akong nagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito na nabubuhay pa ako, at pinahihintulutang makapagsalita; [i]2406[/i] at mangangahas akong magsalita pa; Sapagkat ako ay nakatitiyak na kung nakikilala ninyo ako ay hindi ninyo pahihintulutang ako ay magapos. Sapagkat ako, si Ammon, ay isang inapo ni Zarahemla, at naglakbay mula sa lupain ng Zarahemla upang magsiyasat hinggil sa aming mga kapatid, na inilabas ni Zenif mula sa lupain.

From section: Ang Pagtatagpo sa Pangkat ng Mga Tagasagip ni Ammon

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary