Tunay na kanyang pinasan ang ating mga dalamhati, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayon man ipinalagay natin siyang pinarusahan, binagabag ng Diyos, at pinahirapan. Subalit siya ay nasugatan dahil sa ating mga kasalanan, siya ay nabugbog dahil sa ating mga kasamaan; ang parusa ng ating kapayapaan ay nasa kanya; at sa pamamagitan ng kanyang mga latay tayo ay gumaling.