Ang Mensahe ni Abinadi kay Noah at sa kanyang mga Saserdote

Ang Pagparito ni Kristo

Mosiah 13:33

Si Moises at mga ibang propeta ay nagpropesiya tungkol sa isang Mesias na magtutubos sa kanyang mga tao.

Sapagkat masdan, hindi ba’t nagpropesiya si Moises sa kanila hinggil sa pagparito ng Mesiyas, at na tutubusin ng Diyos ang kanyang mga tao? Oo, at maging lahat ng propeta ay nagpropesiya mula pa sa simula ng daigdig—hindi ba sila nangusap ng higit-kumulang hinggil sa mga bagay na ito?

Mosiah 13:34–35

Ang mga propeta ay nagturo na ang Diyos mismo ay tataglayin sa kanyang sarili ang isang katawang mortal, mabubuhay na mag-uli, at pagmamalupitan.

Hindi ba’t sinabi nila na ang Diyos na rin ang bababa sa mga anak ng tao, at tataglayin niya sa kanyang sarili ang kaanyuan ng tao, at hahayo sa dakilang kapangyarihan sa balat ng lupa? Oo, at hindi ba’t sinabi rin nila na papapangyarihin niya ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, at na siya rin, ay pagmamalupitan at pahihirapan?

Mosiah 14:1–12

Nagturo si Isaias tungkol sa pagdurusa ng Panginoon, ang kanyang hain, at ang kanyang pamamagitan para sa mga makasalanan.

Oo, hindi ba’t sinabi ni Isaias:

Mosiah 15:1

Ang Diyos mismo ay bababa upang tubusin ang kanyang mga tao.

At ngayon sinabi ni Abinadi sa kanila:

Ninanais kong inyong maunawaan na ang Diyos din ay bababa sa mga anak ng tao, at tutubusin ang kanyang mga tao.