At ginawa niya ang kanyang libingan na kasama ng masasama, at kasama ng mayayaman sa kanyang kamatayan; dahil sa wala siyang nagawang masama, ni walang anumang kasinungalingan sa kanyang bibig. Gayon man ikinasiya ng Panginoon na mabugbog siya; siya ay inilagay niya sa pagdadalamhati; kapag inyong ginawang pinakahandog ang kanyang kaluluwa para sa kasalanan ay makikita niya ang kanyang binhi, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kasiyahan ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.