Mosiah 15:12–13

Sapagkat sila yaong ang mga kasalanan ay kanyang pinasan; sa kanila niya inialay ang kanyang buhay upang matubos sila mula sa kanilang mga kasalanan. At ngayon, hindi ba’t sila ang kanyang binhi? Oo, at hindi ba’t ang mga propeta, bawat isa na nagbuka ng kanyang bibig upang magpropesiya, na hindi nangahulog sa paglabag, ang ibig kong sabihin ay lahat ng banal na propeta magmula sa simula ng daigdig? Sinasabi ko sa inyo na sila ay kanyang binhi. [i]2446[/i]

From section: Ang Binhi ng Panginoon

From page: Ang Mensahe ni Abinadi kay Noah at sa kanyang mga Saserdote

Commentary