Mosiah 15:19

Sapagkat kung hindi dahil sa pagtubos na ginawa niya para sa kanyang mga tao, na inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, sinasabi ko sa inyo, kung hindi dahil dito, ang buong sangkatauhan ay nangasawi na sana. Subalit masdan, ang mga gapos ng kamatayan ay makakalag, at ang Anak ay maghahari, at magkakaroon ng kapangyarihan sa kamatayan; anupa’t kanyang papapangyarihin ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay.

From section: Pagkalag sa mga Gapos ng Kamatayan

From page: Ang Mensahe ni Abinadi kay Noah at sa kanyang mga Saserdote

Commentary