At ngayon mangungusap ako kahit paano hinggil sa ilang katao na umahon sa ilang upang bumalik sa lupain ng Nephi; sapagkat may malaking bilang ang nagnais na maangkin ang lupaing kanilang mana.
Ako, si Zenif, na naturuan sa lahat ng wika ng mga Nephita, at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa lupain ng Nephi, o ng lupain ng unang pamana ng aming mga ama, at naisugo bilang isang tiktik sa mga Lamanita upang matiktikan ko ang kanilang lakas, upang masalakay sila ng aming mga hukbo at lipulin sila—subalit nang makita kong may mabait sa kanila ay hinangad kong hindi na sila lipulin.
Kaya nga, umahon sila sa ilang. At ang kanilang pinuno sapagkat malakas at makapangyarihang lalaki, at isang lalaking matigas ang leeg, anupa’t naging sanhi siya ng alitan sa kanila; at silang lahat ay napatay, maliban sa limampu, sa ilang, at muli silang bumalik sa lupain ng Zarahemla.
Kung kaya’t nakipagtalo ako sa aking mga kapatid sa ilang, sapagkat ninais kong makipagkasundo sa kanila ang aming pinuno; subalit dahil sa siya ay isang mabagsik at taong uhaw sa dugo, iniutos niyang patayin ako; subalit naligtas ako dahil sa labis na pagpapadanak ng dugo; sapagkat ang ama ay lumaban sa ama, at kapatid laban sa kapatid, hanggang sa nalipol ang malaking bahagi ng aming hukbo sa ilang; at bumalik kami, yaong mga natira sa amin, sa lupain ng Zarahemla, upang isalaysay ang pangyayaring yaon sa kanilang mga asawa’t anak.
At ito ay nangyari na, na nakapagsama sila ng marami pang iba, at muli silang naglakbay patungo sa ilang. At ako, si Amaleki, ay may isang kapatid na lalaki, na sumama rin sa kanila; at simula noon ay wala na akong nabalitaan pa hinggil sa kanila...
At gayon pa man, ako na labis na nagpabigla-bigla na mamana ang lupain ng aming mga ama, ay nagtipon ng kasindami ng nagnanais na umahon upang angkinin ang lupain, at nagsimulang muling maglakbay sa ilang paahon sa lupain; subalit binagabag kami ng pagkagutom at mga labis na paghihirap; sapagkat naging mabagal kami sa pag-alaala sa Panginoon naming Diyos.