At ngayon mangungusap ako kahit paano hinggil sa ilang katao na umahon sa ilang upang bumalik sa lupain ng Nephi; [i]2759[/i] sapagkat may malaking bilang ang nagnais na maangkin ang lupaing kanilang mana.
Ako, si Zenif, na naturuan sa lahat ng wika ng mga Nephita, at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa lupain ng Nephi, o ng lupain ng unang pamana ng aming mga ama, at naisugo bilang isang tiktik sa mga Lamanita upang matiktikan ko ang kanilang lakas, upang masalakay sila ng aming mga hukbo at lipulin sila—subalit nang makita kong may mabait sa kanila ay hinangad kong hindi na sila lipulin.