Omni 28, Mosiah 9:2

Kaya nga, umahon sila sa ilang. [i]1430[/i] At ang kanilang pinuno sapagkat malakas at makapangyarihang lalaki, at isang lalaking matigas ang leeg, anupa’t naging sanhi siya ng alitan sa kanila; at silang lahat ay napatay, maliban sa limampu, sa ilang, at muli silang bumalik sa lupain ng Zarahemla.


Kung kaya’t nakipagtalo ako sa aking mga kapatid sa ilang, sapagkat ninais kong makipagkasundo sa kanila ang aming pinuno; subalit dahil sa siya ay isang mabagsik at taong uhaw sa dugo, iniutos niyang patayin ako; [i]2418[/i] subalit naligtas ako dahil sa labis na pagpapadanak ng dugo; sapagkat ang ama ay lumaban sa ama, at kapatid laban sa kapatid, hanggang sa nalipol ang malaking bahagi ng aming hukbo sa ilang; [i]2371[/i] at bumalik kami, yaong mga natira sa amin, sa lupain ng Zarahemla, upang isalaysay ang pangyayaring yaon sa kanilang mga asawa’t anak. [i]2417[/i]

From section: Pag-alis Mula sa Zarahemla

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary