Ngayon, ito ay nakabahala sa mga tao ng simbahan, at gayon din sa lahat ng yaong hindi nahikayat palayo ng mga panghihikayat ni Amlici; sapagkat nalalaman nila na alinsunod sa kanilang batas, ang mga gayong bagay ay kinakailangang pagtibayin ng tinig ng mga tao.
Anupa’t kung magagawang matamo ni Amlici ang tinig ng mga tao, siya, na isang masamang tao, ay pagkakaitan sila ng kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa simbahan; sapagkat kanyang layuning wasakin ang simbahan ng Diyos. [i]1573[/i]