Alma 1:2,15,3–4

At ito ay nangyari na, na sa unang taon ng panunungkulan ni Alma sa hukumang-luklukan, [i]1561[/i]...isang malaking lalaki, at nakilala dahil sa kanyang labis na lakas...


...ang kanyang pangalan ay Nehor...


At siya ay lumibot sa mga tao, [i]1562[/i] nangangaral sa kanila ng tinatawag niyang salita ng Diyos, [i]2519[/i] nagpapatotoo laban sa simbahan; ipinahahayag sa mga tao na ang lahat ng saserdote at guro ay nararapat na maging tanyag; at nararapat na hindi gumawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, kundi nararapat silang tustusan ng mga tao.

At siya ay nagpatotoo rin sa mga tao na ang buong sangkatauhan ay maliligtas sa huling araw, at na hindi nila kinakailangang matakot ni manginig, kundi ang itaas nila ang kanilang mga ulo at magalak; sapagkat nilikha ng Panginoon ang lahat ng tao, at kanya ring tinubos ang lahat ng tao; at, sa katapusan, ang lahat ng tao ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

From section: Ang Mga Krimen ni Nehor at Paglilitis

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary