At si Alma ay nagsugo ng mga tiktik upang sundan ang labi ng mga Amlicita, upang malaman niya ang kanilang mga balak at kanilang mga pakana, nang mabantayan niya ang kanyang sarili laban sa kanila, upang mapangalagaan niya ang kanyang mga tao mula sa pagkalipol. Ngayon, yaong mga isinugo niya upang magmanman sa kuta ng mga Amlicita ay tinatawag na Zeram, at Amnor, at Manti, at Limher; [i]2535[/i] sila yaong mga humayong kasama ang kanilang mga tauhan upang magmanman sa kuta ng mga Amlicita. [i]1578[/i]