At ito ay nangyari na, na kinabukasan sila ay nagsibalik sa kuta ng mga Nephita na labis na nagmamadali, labis na nanggilalas, at nakadarama ng labis na pagkatakot, sinasabing: [i]2536[/i]
Masdan, aming sinundan ang kuta ng mga Amlicita, at sa aming labis na panggigilalas, sa lupain ng Minon, sa itaas ng lupain ng Zarahemla, sa daan patungo sa lupain ng Nephi, aming nakita ang napakaraming hukbo ng mga Lamanita; at masdan, ang mga Amlicita ay umanib sa kanila; At kanilang sinasalakay ang ating mga kapatid sa lupaing yaon; at sila ay nagsisitakas sa kanilang harapan kasama ang kanilang mga kawan, at kanilang mga asawa, at kanilang mga anak, patungo sa ating lunsod; at maliban kung magmamadali tayo ay mapapasakanila ang ating lunsod, at ang ating mga ama, at ating mga asawa, at ating mga anak ay mapapatay.