At ito ay nangyari na, na dinala ng mga tao ni Nephi ang kanilang mga tolda, at nilisan ang lambak ng Gedeon patungo sa kanilang lunsod, na lunsod ng Zarahemla. At masdan, habang tinatawid nila ang ilog Sidon, ang mga Lamanita at ang mga Amlicita, na halos kasindami, sa wari, ng mga buhangin sa dagat, ay sinalakay sila upang lipulin sila. [i]2537[/i]