At ito ay nangyari na, na ang mga Nephita na hindi napatay ng mga sandata ng digmaan, matapos mailibing yaong mga napatay—ngayon, ang bilang ng mga napatay ay hindi mabilang, dahil sa kalakihan ng kanilang bilang—matapos nilang mailibing ang kanilang mga patay, silang lahat ay muling nagsibalik sa kanilang mga lupain, at sa kanilang mga tahanan, at kanilang mga asawa, at kanilang mga anak.
Ngayon, maraming babae at bata ang napatay sa pamamagitan ng espada, at marami rin sa kanilang mga kawan ng tupa at kanilang mga baka; at marami rin sa kanilang mga taniman ng butil ang nawasak, sapagkat niyapak-yapakan ang mga ito ng maraming tao.
At ngayon kasindami ng mga Lamanita at Amlicita ang napatay sa baybay ng ilog Sidon ay itinapon sa mga tubig ng Sidon; at masdan, ang kanilang mga buto ay nasa kailaliman ng dagat, at ang mga ito ay marami.