At ang mga Amlicita ay nakilala mula sa mga Nephita, sapagkat minarkahan nila ang sarili ng kulay pula sa kanilang mga noo alinsunod sa mga Lamanita; [i]2541[/i] [i]1582[/i] gayon pa man hindi nila inahitan ang kanilang mga ulo na tulad ng mga Lamanita. Ngayon, ang mga ulo ng mga Lamanita ay ahit; at sila’y mga nakahubad, maliban sa balat na nakabigkis sa kanilang mga balakang, at gayon din ang kanilang mga baluti, na nakabigkis sa kanila, at kanilang mga busog, at kanilang mga palaso, at kanilang mga bato, at kanilang mga tirador, at iba pa.