Alma 1:7–9

At ito ay nangyari na, nang siya ay paalis na, upang mangaral sa mga yaong naniniwala sa kanyang salita, na nasalubong niya ang isang lalaking nabibilang sa simbahan ng Diyos, oo, maging isa sa kanilang mga guro; at siya ay nagsimulang makipagtalo sa kanya nang matalim, upang kanyang maakay palayo ang mga tao ng simbahan; subalit siya ay napangatwiranan ng lalaki, [i]2520[/i] pinaaalalahanan siya sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. [i]1563[/i]

Ngayon, ang pangalan ng lalaki ay Gedeon, at siya yaong naging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa pagpapalaya sa mga tao ni Limhi mula sa pagkaalipin. Ngayon, sapagkat siya ay napangatwiranan ni Gedeon sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos siya ay napoot kay Gedeon, at hinugot ang kanyang espada at nagsimulang saksakin siya. [i]2521[/i] Ngayon, si Gedeon na pinatanda na ng maraming taon, kaya nga hindi niya nagawang mapaglabanan ang kanyang mga saksak, anupa’t napatay siya sa pamamagitan ng espada. [i]1564[/i]

From section: Ang Mga Krimen ni Nehor at Paglilitis

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary