At sinimulan nilang itatag ang simbahan nang lubusan; oo, at marami ang bininyagan sa mga tubig ng Sidon at sumapi sa simbahan ng Diyos; oo, sila ay nabinyagan ng mga kamay ni Alma, na itinalagang mataas na saserdote sa mga tao ng simbahan, ng kamay ng kanyang amang si Alma.
At ito ay nangyari na, na sa ikapitong taon ng panunungkulan ng mga hukom ay may mga tatlong libo limangdaang katao ang isinapi ang kanilang sarili sa simbahan ng Diyos at bininyagan. [i]2543[/i] At sa gayon nagtapos ang ikapitong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi; at nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa buong panahong yaon.