At ito ay ginawa niya upang siya rin ay makatungo sa kanyang mga tao, o sa mga tao ni Nephi, upang maipangaral niya ang salita ng Diyos sa kanila, upang pukawin sila sa pag-aalaala sa kanilang tungkulin, [i]2849[/i] at upang mahila niyang pababa, sa pamamagitan ng salita ng Diyos, ang lahat ng kapalaluan at katusuhan at lahat ng alitang umiiral sa kanyang mga tao, nakikitang walang paraan upang kanyang mabawi sila maliban sa pagpapatotoo ng dalisay na patotoo laban sa kanila.
At sa gayon sa pagsisimula ng ikasiyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, ipinaubaya ni Alma kay Nefihas ang hukumang-luklukan, at lubos na iniukol ang kanyang sarili sa mataas na pagkasaserdote ng banal na orden ng Diyos, para sa patotoo ng salita, alinsunod sa diwa ng paghahayag at propesiya.