Alma 4:15–18

At ngayon ito ay nangyari na, na si Alma, matapos makita ang mga paghihirap ng mga mapagpakumbabang tagasunod ng Diyos, at ang mga pag-uusig na ibinunton sa kanila ng mga nalalabi sa kanyang mga tao, at nakikita ang lahat ng kanilang hindi pagkakapantay-pantay, ay nagsimulang labis na malungkot; gayon pa man, siya ay hindi binigo ng Espiritu ng Panginoon.

At siya ay pumili ng isang matalinong lalaki na nasa mga elder ng simbahan, at binigyan siya ng kapangyarihan alinsunod sa tinig ng mga tao, upang siya ay magkaroon ng kapangyarihang magpatibay ng mga batas alinsunod sa mga batas na ibinigay at upang ipatupad ang mga yaon alinsunod sa kasamaan at kasalanan ng mga tao. [i]1583[/i]

Ngayon, ang pangalan ng lalaking ito ay Nefihas, at siya ay hinirang na punong hukom; [i]2545[/i] at siya ay umupo sa hukumang-luklukan upang hatulan at pamahalaan ang mga tao. Ngayon hindi ipinagkaloob sa kanya ni Alma ang katungkulan ng pagiging mataas na saserdote ng simbahan, kundi pinanatili niya ang katungkulan ng mataas na saserdote sa kanyang sarili; subalit kanyang ipinaubaya ang hukumang-luklukan kay Nefihas.

From section: Ang Paghina ng Simbahan

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary