At ngayon ito ay nangyari na, na bago pa man ang mga Nephita ay makapagtipon ng sapat na hukbo upang maitaboy silang palabas ng lupain, kanila nang nalipol ang mga tao na nasa lunsod ng Ammonihas, at gayon din ang ilan na nasa palibot ng mga hangganan ng Noe, at dinalang bihag ang iba sa ilang.
At ang mga tao ng Ammonihas ay nalipol; oo, ang lahat ng nabubuhay na tao ng mga Ammonihasita ay nalipol, [i]2589[/i] at gayon din ang kanilang malaking lunsod, na kanilang sinabi na hindi magagawang wasakin ng Diyos, dahil sa lakas nito. Subalit masdan, sa isang araw ay naiwan itong mapanglaw; at ang mga bangkay ay niluray ng mga aso at mababangis na hayop ng ilang. Gayon pa man, makalipas ang maraming araw, ang kanilang mga patay na katawan ay nabunton sa ibabaw ng lupa, at natabunan sila ng mababaw na pagkakatabon. [i]2591[/i] At ngayon umaalingasaw ang amoy niyon kung kaya’t hindi na nagtungo pa ang mga tao sa lupain ng Ammonihas nang maraming taon upang ito ay angkinin. At tinawag itong Kapanglawan ng mga Nehor; sapagkat sila ay nasa katungkulan ni Nehor, na mga nangamatay; at ang kanilang mga lupain ay nanatiling mapanglaw.