Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Pangangaral, Pagtanggi, at Digmaan sa Amonihas

Alma 16:1–2, 25:1–3

kalaunan matapos ng pagbabalik ni Alma, ang mga Lamanita ay nagsagawa ng isang biglaang pag-atake sa Ammonihas

At ito ay nangyari na, na sa ikalabing-isang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, sa ikalimang araw ng ikalawang buwan, nagkaroon ng labis na kapayapaan sa lupain ng Zarahemla, hindi nagkaroon ng mga digmaan ni alitan sa loob ng ilang taon, maging hanggang sa ikalimang araw ng ikalawang buwan sa ikalabing-isang taon, na nakarinig ng sigawan ng digmaan sa lahat ng dako ng lupain. Sapagkat masdan, ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nakapasok sa may tagiliran ng ilang, patungo sa mga hangganan ng lupain, maging sa lunsod ng Ammonihas, at nagsimulang patayin ang mga tao at wasakin ang lunsod.


At masdan, ngayon ito ay nangyari na, na yaong mga Lamanita ay lalong nagalit dahil sa pinatay nila ang kanilang mga kapatid; kaya nga, sila ay sumumpa ng paghihiganti sa mga Nephita; at hindi na sila nagtangkang patayin pa ang mga tao ni Anti-Nephi-Lehi sa panahong yaon.

Sa halip dinala nila ang kanilang mga hukbo at nagtungo sa mga hangganan ng lupain ng Zarahemla, at sinalakay ang mga taong nasa lupain ng Ammonihas at nilipol sila. At pagkaraan niyon, sila ay nagkaroon ng maraming pakikidigma sa mga Nephita, kung saan sila ay naitaboy at napatay.

Alma 16:3, 9–11

Bago pa ang mga Nepita ay sapat na nakatugon, ang mga Lamanita ay winasak na ang lunsod at nagdala ng mga bihag.

At ngayon ito ay nangyari na, na bago pa man ang mga Nephita ay makapagtipon ng sapat na hukbo upang maitaboy silang palabas ng lupain, kanila nang nalipol ang mga tao na nasa lunsod ng Ammonihas, at gayon din ang ilan na nasa palibot ng mga hangganan ng Noe, at dinalang bihag ang iba sa ilang.


At ang mga tao ng Ammonihas ay nalipol; oo, ang lahat ng nabubuhay na tao ng mga Ammonihasita ay nalipol, at gayon din ang kanilang malaking lunsod, na kanilang sinabi na hindi magagawang wasakin ng Diyos, dahil sa lakas nito. Subalit masdan, sa isang araw ay naiwan itong mapanglaw; at ang mga bangkay ay niluray ng mga aso at mababangis na hayop ng ilang. Gayon pa man, makalipas ang maraming araw, ang kanilang mga patay na katawan ay nabunton sa ibabaw ng lupa, at natabunan sila ng mababaw na pagkakatabon. At ngayon umaalingasaw ang amoy niyon kung kaya’t hindi na nagtungo pa ang mga tao sa lupain ng Ammonihas nang maraming taon upang ito ay angkinin. At tinawag itong Kapanglawan ng mga Nehor; sapagkat sila ay nasa katungkulan ni Nehor, na mga nangamatay; at ang kanilang mga lupain ay nanatiling mapanglaw.

Alma 25:4

Sa pagsalakay, halos lahat ng mga Lamanitang inapo nila Amulon, mga saserdote ni Noa, ay napatay.

At kabilang sa mga Lamanita na napatay ay halos mga binhing lahat ni Amulon at ng kanyang mga kapatid, na mga saserdote ni Noe, at sila ay napatay ng mga kamay ng mga Nephita;

Alma 25:5

Ang kakaunti sa mga Amulonita na nakaligtas ay tumakas patungo sa ilang kasama ng mga Lamanita.

At ang nalalabi, matapos na magsitakas patungo sa silangang ilang, at matapos makamkam ang kapangyarihan at karapatan sa mga Lamanita, ay pinapangyaring mangasawi ang marami sa mga Lamanita sa pamamagitan ng apoy dahil sa kanilang paniniwala—

Alma 25:6

Maraming Lamanita ang nagsisi at naniwala sa mga salita na kanilang napakinggan sa lupaing ng Nephi mula kay Amon at Aaron.

Sapagkat marami sa kanila, matapos dumanas ng labis na kawalan at maraming paghihirap, ay nagsimulang mapukaw sa pag-alaala ng mga salita ni Aaron at ng kanyang mga kapatid na ipinangaral sa kanila sa kanilang lupain; anupa’t sila ay nagsimulang mawalan ng paniniwala sa mga kaugalian ng kanilang mga ama, at maniwala sa Panginoon, at na siya ang nagbigay ng kahanga-hangang lakas sa mga Nephita; at sa gayon marami sa kanila ang nagbalik-loob sa ilang.

Alma 25:7–9

Ang mga Amulonita ay nagsimulang patayin ang mga naniniwalang Lamanita; Ang mga Lamanita ay nagrebelyon, at pinatay ang mga natitirang mga Amulonita.

At ito ay nangyari na, na yaong mga tagapamahala na labi ng mga anak ni Amulon ay ipinapatay sila, oo, lahat ng yaong naniwala sa mga bagay na ito. Ngayon, ang kamartirang ito ay naging dahilan upang mapukaw sa galit ang marami sa kanilang mga kapatid; at nagsimulang magkaroon ng alitan sa ilang; at ang mga Lamanita ay nagsimulang tugisin ang mga binhi ni Amulon at ng kanyang mga kapatid at nagsimulang pagpapatayin sila; at sila ay nagsitakas patungo sa silangang ilang. At masdan, sila ay tinutugis hanggang sa mga araw na ito ng mga Lamanita.

Alma 25:9–12

Ito ay katuparan sa mga propesiya ni Abinadi.

Sa gayon natupad ang mga sinabi ni Abinadi, na sinabi niya hinggil sa mga binhi ng mga saserdoteng nagpapatay sa kanya sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sinabi niya sa kanila:

Kung ano ang gagawin ninyo sa akin ay
halimbawa ng mga bagay na darating.

At ngayon, si Abinadi ang unang nagdusa ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy dahil sa kanyang paniniwala sa Diyos; ngayon, ito ang ibig niyang sabihin, na marami ang magdurusa ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy, tulad ng dinanas niya.

At sinabi niya sa mga saserdote ni Noe na ang kanilang mga binhi ang magiging dahilan ng pagdadala sa kamatayan ng marami, kahalintulad ng pamamaraang ginawa sa kanya, at na sila ay ikakalat at papatayin, maging tulad ng isang tupa na walang pastol ay itinaboy at sinila ng mababangis na hayop; at ngayon masdan, ang mga salitang ito ay napatunayan, sapagkat sila ay itinaboy ng mga Lamanita, at sila ay tinugis, at sila ay pinahihirapan.