Sa gayon natupad ang mga sinabi ni Abinadi, na sinabi niya hinggil sa mga binhi ng mga saserdoteng nagpapatay sa kanya sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sinabi niya sa kanila:
Kung ano ang gagawin ninyo sa akin ay
_halimbawa ng mga bagay na darating.
At ngayon, si Abinadi ang unang nagdusa ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy dahil sa kanyang paniniwala sa Diyos; ngayon, ito ang ibig niyang sabihin, na marami ang magdurusa ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy, tulad ng dinanas niya.
At sinabi niya sa mga saserdote ni Noe na ang kanilang mga binhi ang magiging dahilan ng pagdadala sa kamatayan ng marami, kahalintulad ng pamamaraang ginawa sa kanya, at na sila ay ikakalat at papatayin, maging tulad ng isang tupa na walang pastol ay itinaboy at sinila ng mababangis na hayop; at ngayon masdan, ang mga salitang ito ay napatunayan, sapagkat sila ay itinaboy ng mga Lamanita, at sila ay tinugis, at sila ay pinahihirapan.