At ito ay nangyari na, na yaong mga tagapamahala na labi ng mga anak ni Amulon ay ipinapatay sila, oo, lahat ng yaong naniwala sa mga bagay na ito. Ngayon, ang kamartirang ito ay naging dahilan upang mapukaw sa galit ang marami sa kanilang mga kapatid; at nagsimulang magkaroon ng alitan sa ilang; at ang mga Lamanita ay nagsimulang tugisin ang mga binhi ni Amulon at ng kanyang mga kapatid at nagsimulang pagpapatayin sila; at sila ay nagsitakas patungo sa silangang ilang. At masdan, sila ay tinutugis hanggang sa mga araw na ito ng mga Lamanita.