Subalit sinabi ni Alma sa kanya: [i]1566[/i]
Masdan, ito ang unang pagkakataon na ang huwad na pagkasaserdote ay pinasimulan sa mga taong ito. At masdan, hindi ka lamang nagkasala ng huwad na pagkasaserdote, kundi nagpilit pang ipatupad ito sa pamamagitan ng espada; at kung ang huwad na pagkasaserdote ay ipatutupad sa mga taong ito ay mangangahulugan ito ng kanilang lubusang pagkalipol.
At pinadanak mo ang dugo ng isang mabuting tao, [i]1567[/i] oo, isang taong nakagawa ng labis na kabutihan sa mga taong ito; at kung amin kang patatawarin, ang kanyang dugo ay uusig sa amin upang maghiganti. Anupa’t hinahatulan kang mamatay, [i]2522[/i] alinsunod sa batas na ibinigay sa atin ni Mosias, na ating huling hari; at ito ay kinilala ng mga taong ito; kaya nga, ang mga taong ito ay kinakailangang sumunod sa batas.