Alma 16:7–9

At ito ay nangyari na, na tinawid ni Zoram at ng kanyang mga anak ang ilog Sidon, kasama ang kanilang mga hukbo, at humayo palayo sa kabilang ibayo ng mga hangganan ng Manti patungo sa timog ilang, na nasa silangang dako ng ilog Sidon.

At kanilang sinalakay ang mga hukbo ng mga Lamanita, at ang mga Lamanita ay naikalat at naitaboy patungo sa ilang; at kinuha nila ang kanilang mga kapatid na nadalang bihag ng mga Lamanita, at wala ni isa mang tao nila na nadalang bihag ang nawala. At sila ay dinala ng kanilang mga kapatid upang angkinin ang kanilang sariling mga lupain. At sa gayon nagtapos ang ikalabing-isang taon ng mga hukom, ang mga Lamanita ay naitaboy palabas ng lupain.

From section: Mga Pagsisikap sa Pagsagip sa Mga Bilanggo

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary