Alma 1:16–18

Gayon pa man, hindi nito nawakasan ang paglaganap ng huwad na pagkasaserdote sa lupain; sapagkat marami ang nagmamahal sa mga bagay na walang kabuluhan ng daigdig, at humayo silang nangangaral ng mga maling doktrina; at ito ay ginawa nila dahil sa mga kayamanan at karangalan. [i]1569[/i]

Gayon pa man, hindi sila nangahas na magsinungaling, kung ito ay malalaman, dahil sa takot sa batas, sapagkat ang mga sinungaling ay pinarurusahan; anupa’t sila ay nagkunwaring ipinangangaral ang naaayon sa kanilang paniniwala; at ngayon, ang batas ay walang kapangyarihan sa sino mang tao dahil sa kanyang paniniwala. At hindi sila nangahas na magnakaw, dahil sa takot sa batas, sapagkat ang gayon ay pinarurusahan; ni ang mangahas silang manloob, ni pumaslang, sapagkat siya na pumapaslang ay pinarurusahan hanggang kamatayan.

From section: Paguusig sa Relihiyon

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary