[Alma 29:1-17] Nais na maglingkod sa Diyos

Subalit masdan, ako ay isang tao, at nagkakasala sa aking mithiin; sapagkat nararapat akong malugod sa mga bagay na iniukol sa akin ng Panginoon. Hindi ko nararapat na ipilit ang aking mga naisin sa matatag na pasiya ng makatarungang Diyos, sapagkat nalalaman kong ipinagkakaloob niya sa mga tao ang naaayon sa kanilang naisin, maging ito man ay sa kamatayan o sa pagkabuhay; oo, nalalaman kong itinatalaga niya sa mga tao, oo, ipinag-uutos sa kanila ang mga batas na hindi mababago, alinsunod sa kanilang mga kagustuhan, maging ang mga ito man ay sa kaligtasan o sa pagkawasak.

Oo, at nalalaman ko na ang mabuti at masama ay sumasalahat ng tao; siya na hindi nalalaman ang mabuti sa masama ay walang pagkakasala; subalit siya na nakaaalam ng mabuti at masama, sa kanya ay ipagkakaloob ang naaayon sa kanyang mga naisin, maging naisin man niya ang mabuti o masama, buhay o kamatayan, kagalakan o paggigiyagis ng budhi.

From section: Ang Pagdayo ng Mga Amonita

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary