Ngayon, nakikitang nalalaman ko ang mga bagay na ito, bakit kailangang naisin ko ang higit pa kaysa sa pagsasagawa ng gawain kung saan ako ay tinawag? Bakit kailangang naisin ko na sana ako’y isang anghel, upang makapangusap ako sa lahat ng dulo ng mundo?
Sapagkat masdan, ang Panginoon ay nagtutulot sa lahat ng bansa, sa kanilang sariling bansa at wika, na ituro ang kanyang salita, oo, sa karunungan, lahat ng nakikita niyang karapat-dapat na taglayin nila; anupa’t nakikita natin na ang Panginoon ay nagpapayo sa karunungan, alinsunod sa yaong makatarungan at totoo.