Nalalaman ko yaong ipinag-utos sa akin ng Panginoon, at ipinagkakapuri ko ito. Hindi ako nagpupuri sa aking sarili, kundi ipinagkakapuri ko yaong ipinag-utos sa akin ng Panginoon; oo, at ito ang aking kaluwalhatian, na baka sakaling ako’y maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang madala ang ilang kaluluwa sa pagsisisi; at ito ang aking kagalakan.
At masdan, kapag nakita kong tunay na nagsisisi ang marami sa aking mga kapatid, at lumalapit sa Panginoon nilang Diyos, sa gayon napupuspos ang aking kaluluwa ng kagalakan; sa panahong yaon naaalaala ko kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa akin, oo, maging sa dininig niya ang aking panalangin; oo, sa panahong yaon ko naaalaala ang kanyang maawaing bisig na iniunat niya sa akin.