Oo, at naaalaala ko rin ang pagkabihag ng aking mga ama; sapagkat tunay na nalalaman ko na ang Panginoon ang siyang nagpalaya sa kanila sa pagkaalipin, at sa pamamagitan nito ay itinatag ang kanyang simbahan; oo, ang Panginoong Diyos, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ay pinalaya sila mula sa pagkaalipin. Oo, parati kong naaalaala ang pagkabihag ng aking mga ama; at ang Diyos ding yaon na nagligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga taga-Egipto ang siyang nagpalaya sa kanila mula sa pagkaalipin.
Oo, at ang Diyos ding yaon ay nagtatag ng kanyang simbahan sa kanila; oo, at ang Diyos ding yaon ay tinawag ako sa isang banal na tungkulin, ang ipangaral ang salita sa mga taong ito, at pinagkalooban ako ng malaking tagumpay, kung saan ang aking kagalakan ay nalubos.