Subalit hindi lamang ako nagagalak sa aking sariling tagumpay, kundi higit pang nalubos ang aking kagalakan dahil sa tagumpay ng aking mga kapatid, na nagtungo sa lupain ng Nephi. Masdan, sila ay nagpagal nang labis, at namunga ng maraming bunga; at kaydakila ng kanilang magiging gantimpala! Ngayon, kapag naiisip ko ang tagumpay ng aking mga kapatid na ito, ang aking kaluluwa ay natatangay, maging sa paghihiwalay nito mula sa katawan, sa wari’y gayon ito, napakalaki ng aking kagalakan.